Dr. Jose Rizal (filipino)
Essay by Kill009 • October 19, 2011 • Essay • 465 Words (2 Pages) • 3,135 Views
Malaki ang naiambag ni Dr. Jose Rizal sa pagkakaroon ng kamulatang panlipunan at pulitikal sa mga Pilipino hindi lamang sa kanyang panahon kundi maging sa sumunod pa hanggang kasalukuyan at sa hinaharap at isa ito sa mga dahilan kung bakit itinuturing si Jose Rizal bilang pambansang bayani ng Pilipinas.
Siya ay biktima na ng pang-aabuso ng mga Kastila sa sarilang niyang bayan nung siya ay bata pa lamang. Kaya kahit bata pa ay hindi maalis sa kanya ang mangarap ng mas magandang buhay para sa kanyang bayan. Sa loob ng klase lagi siyang nakikipag-argumento sa mga guro niya ukol sa hindi pagkakapantay-pantay na pagtrato sa mga estudyantng Pilipino at Kastila. Nais niyang iparating ang mga naisin ng mga Pilipino sa harap ng walang hustisyang sistema. Habang tumatanda si Rizal, nakita niya na mas lalong lumalala ang sakit ng lipunan. Lalong tumindi ang pagiisip ni Rizal ukol sa mga panlipunan at pampulitikang kalagayan ng bayan. Ang mga Pilipino ay naging dayuhan na sa sariling bayan, nakiisa sa layuning pang-Espanyol at kinamumuhian ang kapwa Pilipino. Pinakadakilang itinuturing si Rizal na nag-iwan ng mensahe sa kanyang mga akda. Sinikap niyang pagdulot ng pagbabago sa bansa. Bagamat hindi ito nakamit habang siya'y nabubuhay, patuloy pa rin ang laban, hanggang kasalukuyan, bilang pagkilala na rin sa kanyang kadakilaan. Ayon kay Renato Constantino , tunay na si Rizal ay ang pinakamahusay na kritiko ng lipunan sa kaniyang panahon at nagbigay boses sa mga adhikain ng maraming Pilipino.
Ngunit sa isang sulat niya kay Blumentritt ay sinabi naman niya na kung wala ng ibang paraan at itutulak sila ng Espanya para sa madugong digmaan ay gagawin nila ito .Sa aklat na "The First Filipino" ni Leon Ma. Guerrero, sa sulat ni Rizal na may petsang Hunyo 19, 1896 sa kaibigan niyang eskolar na Austrian na si Dr. Ferdinand Blumentritt, ipinahayag niya:
"Matitiyak ko sa iyo na hindi ko ninanais na makisangkot sa anumang binabalak na paghihimagsik na sa palagay ko'y hindi pa napapanahon at lubhang mapanganib. Ngunit kung itinutulak kami ng pamahalaan tungo doon, ang ibig kong sabihin ay kung wala nang nalalabing pag-asa kundi yakapin namin ang aming pagkawasak sa pamamagitan ng digmaan, kapag mamatamisin pa ng mga Pilipino ang mamatay kaysa pagtiisan pa ang kanilang mga kasawian at paghihirap, ako man kung gayon ay magpapanukalang gumamit ng marahas na pamamaraan. Ang Espanya ang dapat mamili: kapayapaan o pagkawasak, sapagkat hindi mapapasubaliang katotohanan, gaya nang alam ng lahat, na kami'y matiisin at mapagmahal sa kapayapaan... Ngunit may wakas ang lahat sa buhay na ito; walang walanghanggan sa mundong ito, at kabilang na rito ang aming pagtitiis. Hindi ako naniniwala na ikaw bilang isang malayang mamamayan ng Europa ay magnanais na pagpayuhan ang mabuti mong kaibigan na pagtiisan na lamang ang lahat at kumilos na kagaya ng isang taong duwag, ng isang taong walang katapangan."
...
...