Ang Kundiman (filipino)
Essay by Woxman • September 29, 2011 • Essay • 762 Words (4 Pages) • 2,632 Views
Ang Kundiman ay kadalasang ginagawa ng mga lalaki noong unang panahon kapag siya ay nais mag-akyat ng ligaw sa isang babae. Ang lalaki ay pupunta sa tapat ng bahay ng babae sa gabi at doon ay kakantahan ito. Minsan ay may kasama pa ang lalaki na mga kaibigan upang maging kanyang musika habang siya ay kumakanta. Kapag ang lalaki ay nagustuhan ng mga magulang ng babae ay paakyatin ito sa bahay at dito na magsisimula ang panliligaw.
Ang tulang Kundiman ni Pedro Gatmaitan ay ginagamitan ng mga talinghaga. Ito ay mayroong metapora at personipikasyon. Ang metapora ay isang uri ng talinghaga kung saan ay itinutulad ang isang bagay, tao o hayop sa iba pang bagay. Kadalasan, ang dalawang bagay na itinutulad ay walang kinalaman sa isa't isa ngunit ihahambing pa rin ang mga iyon dahil sila ay magkapareho sila sa isang aspeto. Ang personipikasyon naman ay ang pagsasatao o ang pagbibigay ng mga katangian ng tao sa mga bagay. Ginagawa ito upang bigyang buhay ang mga bagay kahit na hindi talaga nila nagagawa o nararamdaman ang mga ito.
Sa tula, makikita na ang nagsasalita ay itinutulad ang kanyang sarili sa kalikasan. Inihambing niya ang sarili niya sa ibon, halaman, bubuyog, agos ng batis at isang makata. Sa ibon ay sinabi niyang para siyang ibong iniwan ng ina at hindi nakaramdam ng pagmamahal at proteksyon mula rito. Sa halaman ay halamang hindi na naka-inom ng tubig kaya ngayo'y nalalanta na sa init. Sa bubuyog ay bubuyog na nauuhaw na sapagkat ang bulaklak na lagi nitong pinupuntahan ay napakalyo na. Sa agos ng batis ay isa na walang dumadaloy na tubig dahil tag-init ang panahon. Ang huli, sa isang makata ay isa na wala ang kanyang diwata o paraluman na posibleng inspirayon niya sa kanyang mga isinusulat.
Kung mapapansin ay lahat ng mga ito ay nangangailangan. Lahat sila ay may kakulangan. Katulad ng lalaki, siya rin ay may pangangailangan. Binanggit sa mga unang parte ng tula na ang lalaki ay nangungulila sa pag-ibig ng babae. Inihambing ng lalaki ang pagnanais niya sa pag-ibig ng babae sa pangangailang ng mga hayop at halaman na mga bagay upang mabuhay.
At dahil doon ay kailangang-kailangan niya ang pag-ibig ng babae dahil ito ang bumubuhay sa kanya. Sinasabi niya na hangga't hindi binibigay ng babae sa kanya ang pag-ibig nito, matutulad siya sa mga nabanggit na paghahambing. Siya ay magiging ibong naulila, halamang nalalanta, bubuyog na nauuhaw, batis na walang tubig, at makatang walang inspirasyon. Ang tanging makakapagbigay buhay, makakabuo, at makakapagpasaya sa kanya ay ang pag-ibig ng babae.
Ginamitin din ng personipakasyon ang tula. Ang ibon, halaman, bubuyog at batis ay binigyan ng katangian ng tao. Sinabi sa tula na ang ibon ay nangulila o kaya ay pinabayaan ng mga magulang. Ang halaman ay yumuyuko sapagkat ito ay nalanta na sa init at uhaw. Ang bubuyog ay nauuhaw dahil ang bulaklak na minamahal nito ay napakalayo sa kanya. Ang batis naman ay nawalan ng nakaaakit na himig kapag ang ito ay
...
...