Wika at Relihiyon
Essay by zoeyaddison • April 15, 2016 • Essay • 458 Words (2 Pages) • 1,397 Views
Bakit nga ba? Ito ang itinanong ko sa aking sarili nang matapos kong masaksihan ang isang pelikulang nagbukas ng aking mga mata sa mga isyu sa ating lipunan. Nagsimula ang palabas nang ipakita ang dahilan ng pagmalagi ng mga refugees sa Marag Valley, isang rehiyon sa Pilipinas na itinatawag na “no man’s island” noong mga taong 1990. Marami na ang napatay na mga komunista sa rehiyong ito. Patuloy na lumalaban at humahanap ng katarungan at hustisya ang mga naaapi laban sa militar ng Pilipinas at mga sundalo. Dito pumasok ang tatlong karakter ng pelikula, sina Emma at Nando na mag-asawa, at si Joel na isang sundalong nakpagkaibigan sa mag-asawa. Naganap ang buong kwento sa loob ng isang bahay sa gitna ng kagubatan na kung saan ipinapakita sa mga manonood na maliit lang ang mundo ng mga tao sa gitna ng digmaan.
Ang unang eksena ay ang pakikipag-usap ng sundalo sa mag-asawa. Hindi karaniwan na maging magkaibigan ang isang sundalo sa mga refugees, katulad nina Emma at Nando, na kanilang kalaban. Malaki ang naging tiwala ng mag-asawa sa sundalo. Palagi nila itong pinaghahandaan ng pagkain upang ipakita ang pakikipagkaibigan nila sa kanya. Napag-usapan nila kung paano nakilala ni Emma si Joel noon. Makikita sa eksenang ito ang pagsulyap ng tingin ni Joel kay Emma. Iniba ni Nardo ang usapan nang sinabi niya na parami na ng parami ang namamatay na sundalo na dapat ay lumalaban para sa mga tao. Nang umalis si Nardo upang kumuha ng tubig, simantala ni Joel ang pagkakataon. Sinabi ni Emma na nagkakagusto na rin siya sa kanya. Nang bumalik si Nardo at ibinalita na mayroong namatay na sundalo, na sa kalaunan ay nalamang si Andres na katulong ng mag-asawa upang maka-alis, ay dali-daling pinuntahan ni Joel. Nang naiwan silang dalawa sa bahay, sinabi ni Emma na kuhang-kuha na niya ang loob ni Joel. Isinakripisyo niya ang kanyang pagkatao at dignidad alang-alang sa kanyang ama na si Ka Samuel na idinakip ng mga militar. Sa bandang huli, napaglaban ni Emma ang kanyang karaptan. Kinuha niya ang armas at bigla itong itinapat sa ulo ni Joel. Pinapili ni Joel si Emma kung sino ang gusto niyang patayin. Sa mabilisang pagputok ay namatay si Nardo. Hindi nagawang patayin ni Emma si Joel dahil mahal niya ito. Nang malaman ito ng sundalo, sinabi niya na magpakailanman ay hindi niya minahal si Emma at mayroon siyang sariling motibo simula pa noong una.
Sa bawat eksenang ipinakita, punung-puno ng paglalahad ng mga sikreto, kasinungalingan, at motibo. Bakit nga ba nagawang ilagay ni Emma sa kapahamakan ang kanyang puso? Kung titingnan, ang karakter ni Emma ay isang palaban at matapang na babaeng handang isakripisyo ang lahat maging ang kanyang dignidad. Ngunit, nang dahil sa pag-ibig ay nawala at nasira ang kanyang gagawing
...
...