AllBestEssays.com - All Best Essays, Term Papers and Book Report
Search

Language and Religion - Wika at Relihiyon

Essay by   •  June 25, 2012  •  Essay  •  1,667 Words (7 Pages)  •  7,179 Views

Essay Preview: Language and Religion - Wika at Relihiyon

1 rating(s)
Report this essay
Page 1 of 7

Wika at Relihiyon

Ang relihiyon ayong kay Ronald Johnstone ay isang systema ng mga paniniwala at mga gawain kung saan binibigyang kahulugan at tinutugunan ng grupo ng tao kung ano ang pinaniniwalaan nilang mga supernatural at banal. (Johnstone) Isa itong institusyong panlipunan at produkto ng kaisipan at damdaming hindi maaring kuwestiyunin ng sinumang indibidwal. At gamit ang wika ito ay may kapangyarihang kumontrol sa umakay sa kanyang deboto.

Maraming pag-aaral tungkol sa relihiyon at sa wika nito mula sa iba't ibang manunulat. Ayon kay Orlo Strunk sa kanyang librong Readings in the Psychology of Religion, ang relihiyon raw ay hindi instinct sa bata kundi ito ay isang karanasan ng indibidwal di tulad ng pag-aaral ni Chomsky. Ito raw ayon Strunk kay karanasan ng mga grupo ng indibidwal mula sa kooperitibang mga pagpupursigi upang maingatan o mapangalagaan at mapanatili ang mga paniniwala na tinuturing sagrado at mahalaga. Ang wika ng relihiyon ayon kay John Hick ay di-kognitibo o hindi ginagamitan ng rasyonal na pag-iisip o ng lohikal na pagrarason. Dahil dito si Walter Capps naman ay linarawan ang wika ng relihiyon bilang simboliko na binubuo ng simbolikong pagpapahayag na nagpapaangat sa isang kaisipan at itinituring niya bilang isang diskurso kung saan pumapasok ang ideyang wika bilang isang "Language game". Dahil sa kultura, ang relihiyon ay nabuo at tinitingnan bilang istitusyong panlipunan na umiiral kasabay at katulong ng mg iba pang institusyon sa lipunan ayon sa Religion and Society in Interaction na sinulat ni Ronald Johnstone. Inugnay niya ang relihiyon at indibidwal at ang relihiyon raw ay may epekto sa kilos at pag-uugali ng tao at lipunan. Ito ay may kakayahang kumontrol sa pamamagitan ng "divine sanction" at pananampalataya. Ayong naman sa tatlong manunulat na si Enriquez, Reyes, at Casillano sa librong Ang Wika ng Simbahan, ang gamit na wika ng relihiyon ay mas maigi kapag ang Inang wika ang ginagamit para mas maintindihan ng mananampalatayang gumagamit. Mula rito mas mapapalaganap ng relihiyon gamit ng wika kung saan maiintindihan ng indibidwal. (Peregrino)

Ang Relihiyon ay may iba't ibang gamit. Sa nabanggit kanina, maari itong gamitin bilang instrument ng kaayusan at kontrol. Gamit ang relihiyon, napapanatili nito ng disiplina mula sa mga utos ng Bibliya. Maari rin itong isang gamit ng panginteraksyon sa iba't ibang institusyong panlipunan. Sa sining, ekonomiya, pamahalaan, at pamilya makikita ang impluwensiya ng relihiyon. Nagpapakita rin ng kontribusyon ang relihiyon sa ating mga tradisyon ng mga Pilipino gaya ng binyag, kasal, libing, pasko, ang mahal na araw at iba pa. Kaya natatawag ang relihiyon bilang isang na "culture bearer o transmitter." Nakikita ang control ng impluwensiya ng relihiyon sa iba't ibang aspekto ng lipunan patibay na ang relihiyon ay taga-kontrol. Gumagamit ang relihiyon ng instrumento para makaimpluwensiya sa kanyang manananmpalataya at ang instrumentong iyon ay wika. (Peregrino)

May iba't ibang katangian ang wika ng relihiyon gaya ng pagiging abstrakto at simbolikal nito. Ang wika ng relihiyon ay tumutukoy sa mga bagay bagay na hindi nakikita at walang empirikal na basehan. Kung kaya namang natuturing abstrakto o di-kognitibo o wika lang ng pananampalataya ang wika ng relihiyon. Ang wika ng relihiyon ay di-kognitibo ayon nga sa nabanggit kanini galing kay John Hick. Sa relihiyon, pinapahayag lamang ang nararamdaman at pinaniniwalaan ng tagapagsalita ngunit wala itong konkretong patunay. Hindi rin ginagamit ang rasyonal na pag-iisip o lohikal na eksplanasyon para mapakahulugan ang mga tinatalakay sa relihyon. At dahil dito, nagpapakita ng kontrol ng wika sa mananampalataya dahil sa katangian nitong maging mysteryo. Ang wika rin ng relihiyon ay nagsasaad ng utos, moral na pananaw, katotohanan at ng impormasyon. Makikita sa Bibliya o sa mga turo ng tagapagsalita ng Diyos ang mga utos ng Diyos na sumunod sa magulang o mga ipinagbabawal gaya ng pumatay. Nariyan rin ang katotohanan o impormasyon kung saan ikinikwento ang paggawa ng Diyos sa mundo at pag-silang ni Hesus para sa kaligtasan natin.

Nagkakaroon ring ng sariling kahulugan ang wika ng relihiyon. Halimbawa na lamang ay ang salitang kapatid. Ang ibig sabihin nito ay kadugo mo o anak rin ng iyong magulang. Ngunit sa konteksto ng relihiyon, ito ay pwede maging kapatid sa diyos. Hindi kayo magkarelasyon o ano pero natatawag mo siyang isang kapatid. Ibang halimbawa ay ang mga salitang "pag-ibig," o "pag-hihirap." Mas nag-iiba ang kahulugan o bumibigat kapag sinabang mahal ka ng iyong magulang sa mahal ka ng Diyos. Nabanggit rin kanina ang salitang kaligtasan, ito ay may kaibahan sa ligtas sa panganib at saka sa ligtas na mapunta sa impyerno. Nag-iiba ang kahulugan ng salita kapag ito'y ginamit sa diyos nagkakaroon sapagkat nagkakaroon ito ng asersiyon. Ayon naman kay Wittgenstein, nilalarawan niya ang relihiyon bilang larong pangwika. Ang pananaw niya ay ang iba't ibang uri ng wika ay pumapaloob sa kaniya-kaniyang "laro." Madedetermina kung saan kabilang o hindi ang isang tao sa isang institusyon.

Ang wika ng relihiyon ay tinitingnan rin bilang isang wikang tinatawag na ultimate concern o kabuuang oryentasyon ng buhay. Dito nakikita na gamit ang wika napapasunod ng mga relihiyon ang kanilang mananampalataya. Nakokontrol nito ang araw-araw na gawain at mayroon emotional attachment sa mga ritwal na kanilang

...

...

Download as:   txt (10.5 Kb)   pdf (121.8 Kb)   docx (12.3 Kb)  
Continue for 6 more pages »
Only available on AllBestEssays.com