AllBestEssays.com - All Best Essays, Term Papers and Book Report
Search

Consumer Industry of Birds (filipino)

Essay by   •  November 5, 2016  •  Essay  •  2,524 Words (11 Pages)  •  1,576 Views

Essay Preview: Consumer Industry of Birds (filipino)

Report this essay
Page 1 of 11

Sa sobrang sipag ng mga langgam, araw-araw ay palaging naglalakbay ang mga Langgam (lalaki) upang makakuha ng mga pagkain. Subalit dahil sa init ng panahon at malayong paglalakbay, ay pagod na pagod lagi ang mga Langgam. Lalo na’t tuwing sila’y maglalakbay, at may nahahanap na pagkain ay kukunin ito ng mga Tutubi.

Langgam1: “Grabe mga kaibigan kong langgam napaka-init ng panahon, naisahan nanaman tayo ng mga sakim na Tutubi. Nagpapakahirap tayo sa pagkuha ng ating mga pagkain tapos kukunin lamang ito ng mga sakim na tutubi pag tayo’y makikita nila. Kailan kaya nila tayo titigilan? Hindi naman sila sakim noon, ngunit bakit tila nagbago ata sila ngayon?”

Langgam2: “Oo nga pinuno? Ano ba ng dapat natin gawin para tigilan na tayo ng mga Sakim na tutubi na iyan, hindi na tama ang kanilang ginagawa. Sumusobra na sila!”

Pinuno ng Langgam: “Huwag kayong mag-alala mga kaibigan, isang pagkakataon na lamang ang ibibigay natin sa mga sakim na Tutubing iyan. Isang beses pa na tayo’y kanilang gagambalahin ay lilisanin natin agad ang lugar na ito. Tayo’y magpapakalayo para di na nila tayo magulo.”

Ngunit isang araw, ang mga Langgam ay nasaktuhan ng mga Tutubi na may mga dalang/buhat na sandamakmak na pagkain.

Tutubi1: “Mga kaibigan kong tutubi, tignan niyo oh, napakaraming pagkain ang dala ng mga Langgam, kung ihahandog natin ang mga ito sa ating pinuno ay tiyak na matutuwa iyon at maibibigay niya na sa atin ang ating hinihingi.”

Tutubi2: “Tara kunin na natin!”

Langgam1: “Ayan nanaman ang mga Sakim na Tutubi!”

Tutubi1: “Magaling mga Langgam, napakarami niyo atang ihahandog samin ngayon? Kukunin na naming ang mga ito ha?”

Pinuno ng Langgam: “Nagmamakaawa ako sa inyo mga Tutubi, huwag niyo nang kunin ang aming mga pagkain, maawa naman kayo sa amin, isipin niyo din ang dinanas namin para makuha lamang ang mga ito. Tutal ay nakakalipad naman kayo, mas madali kayong makakakuha, bakit hindi niyo gawin? Kaysa kinukuha niyo ang hindi inyo!”

Pinuno ng Tutubi: “Tumigil ka! Kung ayaw niyo masaktan ay ibigay niyo nalang ang aming ninanais. Mga kaibigan kong Tutubi, kunin niyo na ang mga nakuha nilang pagkain.”

Dahil dito, hindi na pinalampas ng mga Tutubi ang kanilang pagkakataon, kinuha na ng mga Tutubi ang mga nakuhang pagkain ng mga Langgam at agad agad na umalis.

Tutubi1: “Salamat mga kaibigan naming Langgam, hanggang sa susunod HAHAHA.”

 Dahil sa pagkadismaya, sobrang galit at pagkaubos ng pasensya ng pinuno ng Langgam

Pinuno ng Langgam: “Napaka sama talaga ng mga Tutubing iyan! Di nako makakapayag pang tayo’y kanilang guluhin at nakawan!”

Napagpasiyahan ng pinuno na simula sa araw na iyon lilisanin na nila ang lugar na iyon at maghanap ng bagong lugar para makaiwas sa mga sakim na Tutubi.

Samantalang ang mga Tutubing (lalaki) akalang mga sakim ng Langgam ay naglakbay narin, ngunit papunta saan? Sila ay tumungo rin sa kanilang pinuno, ngunit hindi ang kasama nilang pinuno ng Tutubi ang kanilang pinuno, bagkus ito ay isang MALAKING Salagubang. Nagtataka ba kayo kung bakit Salagubang ang kanilang pinuno?

*flashback*

Dating matalik na magkaibigan ang pinakapinuno ng Tutubi at ang MALAKING Salagubang. Mababait ang mga Tutubi samantalang ang MALAKING Salagubang ay tuso, mayabang, tamad, gahaman at may nakakakilabot na ichura. Laging ang mga Tutubi ang naghihirap para makakuha ng pagkain at inuuwi ito sa kanilang kuta at iniipon, ngunit pag sila’y babalik na sa kanilang kuta ay makikita nilang ang kanilang inipon na pagkain ay inuubos ng MALAKING Salagubang.

Tutubi1: “Sana naman ay may maabutan pa tayong mga pagkain sa ating lugar, at sana’y hindi nanaman ito inubos ng MALAKING Salagubang na iyon.”

Pagka dating nila ay nakita nilang busog at mahimbing ang tulog ng MALAKING Salagubang, at tama nga ang hinala ng isang tutubi, na inubos nanaman ang naipon nilang pagkain. Hindi na nagustuhan ng Pinuno ng mga Tutubi ang mga pangyayari. Kaya naman ginising at kinausap ng pinuno ng Tutubi ng maayos ang kanyang kaibigang si MALAKING Salagubang, patungkol sa pagubos lagi ni MALAKING Salagubang ng kanilang iniipong pagkain,

Pinuno ng Tutubi: “Kaibigan kong Salagubang, hindi na tama ang lagi mong pag-ubos sa iniipon naming pagkain. Dapat iniisip mo kung kami ba ay nakakain naba o hindi pa. Dapat matuto tayong maka-alala ng iba. Bakit hindi ka sumama sa aming paglalakbay nang malaman mo kung anung hirap an gamin dinadanas?”

Nang di naunawaan at nagustuhan ni MALAKING Salagubang ang inulat ni Tutubi ay nagalit ito, at sila’y nag-away.

MALAKING Salagubang: “Ako ba ay iyong sinusumbatan ha?”

Pinuno ng Tutubi: “Hindi kita sinusumbatan, pinapaalalahanan lamang kita na sana’y huwag kang maging makasarili at ika’y magsipag! Kung ipagpapatuloy moa ng iyong ganyang gawain ay aalis na lamang kami at iiwan ka naming mag-isa rito!”

MALAKING Salagubang: “Ah ganun ba? Eh di sige! Iwan niyo akong mag-isa dito, hindi ako magmamakaawa sa inyo at di ko kayo hahabulin”

Nagulat ang Pinuno ng Tutubi sa inulat ni MALAKING Salagubang, kaya naman napagpasiyahan ni Tutubi na iwan na nila ang kuta nila kay MALAKING Salagubang at sila’y umalis nalang din at iwan magisa isa si MALAKING Salagubang.

Pinuno ng Tutubi: “Tara na mga kapwa ko Tutubi, wala na tayong lugar dito, at saiyo kaibigan kong Salagubang, paalam, nawa’y ika’y maging masaya. Mukhang kaya mo naman ang iyong sarili. Paalam.”

Dahil sa akalang hindi siya iiwan ng kaibigan Tutubi galit ang namuo sa kanyang puso’t isipan. At may pinlanong masama.

MALAKING Salagubang: “Pagsisisihan niyo ang pag-iwan niyo sa akin!”

Sa paghahanap ng mga Tutubi ng bagong tirahan, ay di nila napansin na sila’y nasundan ni MALAKING Salagubang. Nang malaman ni MALAKING Salagubang ang kanilang lugar na titirhan ay umalis narin ito at nagsimulang magplano ng masama. Ang kanyang naisip na plano ay hihintayin niyang umalis ang mga lalaking Tutubi para maghanap ng pagkain. Saka siya magpapakita sa kuta ng mga tutubi kung nasaan ang mga babaeng Tutubi lamang ang maiiwan at gagawin niya itong mga bihag. Pagkalipas ng araw na iyon, nalakbay na ang mga Tutubi (lalaki).

Tutubi1: “Paalam mga babaeng tutubi, kami ay maglalakbay muna. Ingatan niyo ang inyong mga sarili.”

Kaya naman sinimulan na ni MALAKING Salagubang ang kanyang plano,

MALAKING Salagubang: “Magiging masaya ito! HAHAHAHA!”

Nagpakita siya sa kuta ng mga Tutubi at takot na takot ang mga babaeng Tutubi. Kinuha niya ang mga ito at dinala sa isang kulungan.

Umuwi ang mga lalaking Tutubi at gulat na gulat nang makitang magulo ang kanilang lugar

Tutubi2: “Naku, ano kaya ang nangyari dito? Ang mga babae? Hanapin natin!”

...

...

Download as:   txt (16 Kb)   pdf (77.5 Kb)   docx (13.4 Kb)  
Continue for 10 more pages »
Only available on AllBestEssays.com