AllBestEssays.com - All Best Essays, Term Papers and Book Report
Search

The Unkabogable Praybeyt Benjamin

Essay by   •  September 11, 2016  •  Book/Movie Report  •  955 Words (4 Pages)  •  2,907 Views

Essay Preview: The Unkabogable Praybeyt Benjamin

Report this essay
Page 1 of 4
  1. The Unkabogable Praybeyt Benjamin

Wenn V. Deramas

  1. Genre: Action comedy

  1. Pangunahing Tauhan

Vice Ganda bilang Private Benjamin "Benjie" Santos VIII

Bida at bayani ng pelikula. Sa kanyang pagganap ay mainam na ipinakita kung paano niya nilabanan ang dikriminasayon at panghuhusga ng ibang tao at maging ng kanyang sariling angkan. Sa murang edad ay sinampal ang kanyang pamilya ng malaking problema nang itakwil ng kanyang Lolo (Eddie Garcia) ang kanyang pamilya dahil sa kanyang kasarian. Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanyang gusting gawin at nais marating sa buhay.

Jimmy Santos bilang Benjamin "Bino" Santos VII

Siya ang ama ni Benjie (Vice Ganda) sa pelikula. Isa siyang ehemplo ng mabuti at mapagmahal na ama sapagkat bagkus sa kasarian ng kanyang anak at ikinahiya ito ng kanyang angkan, buong puso pa rin niyang tinanggap ang kanyang anak. Isa pa ay ang kawilihang isakripsyo ang sarili sa gera upang masigurado ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

Eddie Garcia bilang Minister Marshal Benjamin "Ben" Santos VI

Ang Kataastaasang Heneral ng Pilinas at Lolo ni Benjie (Vice Ganda). ipinakita niya ang paggiging masunurin ng mga Pilipino sa dinastiya at pamahiin. Sa pelikula ay nasabing, sa pamilya nila a laging may Benjamin Santos na nagbibigay ng karangalan sa pamilyang Santos. Kaya naman nang malaman ang tunay na kasarian ni Benjie (Vice Ganda) ay lumabas ang malupit nitong ugali sapagkat sa kanyang paniniwala ay ang apo niyang ito ang susunod na bayani ng bayan. Sa pagtatapos ng pelikula, matapos siyang masagip ni Benjie (Vice Ganda), ay minatuwid niya ang kanyang paniniwala ukol sa mga taong ‘kakaiba’ at tinanggap ni Benjie (Vice Gada) ng bukas palad.

Derek Ramsay bilang Brandon Estolas

Siya ang Commanding Officer ng platoon na kinabibilangan ni Benjie (Vice Ganda) at ang taong napupusuan ni Benjie. Dahil sa panloloko ni Benjie sa ukol sa kanyang kasarian, nakaroon siya ng hinanakit sapagkat lubos ang baging tiwala niya kay Benjie. Hindi man nagbunga ang pagmamahal ni Benjie, naging matalik na magkaibigan silang dalawa at tinggap ang desisyon ng bawat isa ng mauwag sa dibdib.

  1. Buod

Ang pamilya ni Benjamin Santos VIII o Benjie ay mayroong tradisyong magsilbi sa bayan bilang alagad ng batas o militar ngunit sa kasamaang-palad ay hindi nya magagampanan ito dahil isa siya ay bakla. Maluwag na tinanggap siya ng kanyang mga magulang ngunit hindi ang kanyang Lolo na Heneral ng militar. Ang isa pang dahilan ay ang pangalan niyang Benjamin Santos na sa kanilang lahi ay isang pangalan ng may mataas na karalangan at may kabayanihang naidulot sa bansa.

Sa isang hindi inaasahang pangyayari ay nakidnap ng isang armadong grupo ang kanyang Lolo at nagdiklara ang militanteng grupong ito ng isang pag-aalsa laban sa pamahalaan. Sagot sa suliraning ito, nanawagan ang pamahalaan sa lahat ng lalaki sa  bansa sa sumama upang labanan ang miltanteng grupo.

Bilang pamilya ng mga sundalo inaasahang ang pamilya ni Benjie ay sasali sa labanan ngunit nag-aalala si Benjie dahil sa may sakit ang kanyang ama. Upang di mapahamak ang kanyang ama, napilitan si Benjie na sumali sa laban.

...

...

Download as:   txt (6 Kb)   pdf (44.3 Kb)   docx (10.8 Kb)  
Continue for 3 more pages »
Only available on AllBestEssays.com