Romance
Essay by Janine Paunil • November 19, 2016 • Book/Movie Report • 66,359 Words (266 Pages) • 1,399 Views
Born for You
(sequel to FALLING FOR YOU)
TEASER
There’s truly a magic when two people fall in love…
Si Luis Gabriel Sarmiento―guwapo, isang architect at tagapagmana ng Sarmiento Construction. In short, a man every woman would die to be with. Ngunit sa likod ng mga tinatamasa niya ay ang isang masakit na katotohanan: Hinding-hindi niya makakamit ang puso ng babaeng tanging minahal niya―si Heart Ybanez.
He would do everything for her to love him back. Pero, paano siya magagawang mahalin ng taong nakakulong na sa pagmamahal ng iba? Isang lalaking patay na ang katunggali niya sa puso ng dalaga. Paano siya lalaban?
But still, ipaglalaban niya ang pagmamahal niya para rito. No matter what.
TEASING LINE:
“Kung sa tingin mo mali ang ginawa ko, isisi mo iyon sa katotohanang mahal kita…
I’d like to protect you, whatever it takes…
I love you.”
PROLOGUE
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Heart. Kasabay ring kumawala sa kanyang mga mata ang sunud-sunod na pagpatak ng luha. Mula sa bulsa ay kinuha niya ang panyo. Pinahid niya ang luha. Natigilan siya nang mapagmasdan ang panyong gamit. Lalo lamang yata siyang maiiyak dahil ang panyong iyon ay bigay pa sa kanya ng nobyong si Evo. Pinasadya pa nito iyong paburdahan ng: Evo loves you.
When you felt like crying, ‘tapos wala ako sa tabi mo nang oras na ‘yon, just use this handkerchief and you will feel my presence… Ito ang idinahilan sa kanya ng nobyo kaya siya binigyan nito ng panyo. Heto nga’t ginagamit niya iyon ngayon. And Evo was not there. Kung sana ay dahil sa simple lamang na hindi siya nito madadahulan sa pag-iyak ngunit hindi, eh. Evo was gone. Iniwan na siya nito. Isang paglisan na wala nang balikan…
Nanghihinang tumayo siya. It was now her turn to give a speech for Evo. Iyon na ang huling burol ng kasintahan. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bukas. Kung puwede lamang i-extend pa ang burol o kahit wala ng libing ngunit hindi naman maaari ang naiisip niya. Kung may hiling man siya sa sandaling iyon, iyon ay ang hindi na dumating pa ang bukas. She couldn’t bear a life without him. Mahirap.
Humakbang siya patungo sa platform. Sa bawat paghakbang katumbas ay pinung-pinong pagpipiraso ng kanyang puso. Daig pa niya ang dahan-dahang pinapatay. Sana nga lang ay namatay na rin siya para hindi na maramdaman pa ang ganoong uri ng sakit. ‘Di ba, at least, makakasama na rin niya si Evo?
Sumulyap siya sa coffin ng nobyo bago tuluyang tumuntong sa platform. Pinuno niya ng hangin ang dibdib, at saka lumapit sa rostrum. Mula roon ay tanaw niya ang pakikisimpatya sa kanya ng mga taong pumupuno ng cathedral.
She swallowed hard before she spoke. “Sometimes, life isn’t fair. Until now, at kahit kailan yata, I won’t understand kung bakit kinuha Niya agad si Evo. I’m sorry… It was just too hard for me to let him go. He’s the man, after my Dad, that I’m scared to lose. And now he’s gone. Hindi ko alam kung paano tatanggapin na bukas hindi ko na siya makikita, mahahawakan, makakasama, makakakuwentuhan… Puwede bang huwag nang mag-bukas? Hindi ko talaga kaya, eh…”
She paused. She has to breathe because she might breakdown if not. “Alam n’yo ba na mas sweet pa sa akin si Evo? He’s one in a million. I am so proud to tell the world that he’s my boyfriend. I am very lucky that he came and he added color to my monotonous life. Evo, I know I rarely says I love you, but I know you knew how much you mean to me. You mean everything to me. Ikaw…ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko. Ang lalaking una’t huling mamahalin ko…
“‘Nga pala, may utang ka sa akin. Hintayin mo ako sa langit, ha? I will save my last dance for you.” It was her debut when the accident happened. And supposedly, si Evo ang last sa mga eighteen roses niya. “
“I love you… Evo, I said the magical words, don’t I deserve a response?”
There. Kumawala na ang hagulgol na kanina pa niya pinipigil. Nag-iyakan na rin ang mga taong naroroon. Nang bumaba siya ay tuluyang nanghina ang kanyang mga tuhod. Babagsak na sana siya ngunit maagap siyang naalalayan ni Mr. Alex Rosales―ang ama ng kanyang nobyo.
Naglapitan na rin sa kanya ang mga magulang niya at ang ina ni Evo na si Mrs. Elizabeth.
“Heart…” narinig niyang sabi ni Mrs. Rosales.
“Tita, wala na si Evo…” aniya sa garalgal na boses.
“Hija, alam kong mahirap but I believe that we can surpass this obstacle God has given us. Let’s be strong para na rin kay Evo …” sabi nito at dinala siya sa dibdib nito.
“Tita, sana nga, sana nga po ay kayanin ko ang pagsubok na ito…”
“Tahan na, hija. Isipin mo na lang na ayaw ni Evo na nakikita kang umiiyak. ‘Nga pala,” mula sa likuran ay may kinuha itong isang box. “Ito sana ‘yong birthday gift sa ’yo ni Evo.”
Inabot niya iyon saka mahigpit na niyakap na para bang sa paraang iyon ay yakap-yakap na rin niya ang nobyo…
CHAPTER ONE
“OH DARLING, nakita kong inihahanda ni Manong Jun ang sasakyan. Mabuti naman at naisipan mo nang lumabas-labas. Saan ang lakad ng aming prinsesa?” may ngiti sa labing tanong ni Lilian sa anak.
Isang buwan na magbuhat nang mamatay ang kasintahan ni Heart. Pagkatapos nga ng libing ay walang inatupag ang anak kundi ang magkulong sa kuwarto at umiyak nang umiyak. Awang-awa siya rito. Ngunit kahit ano namang alo na gawin dito ay hindi niya mapaglubag ang loob nito. Palibhasa’y sinisisi nito ang sarili sa mga nangyari.
On the way na noon si Evo, papunta sa venue na paggaganapan ng debut ng kanyang anak. Nakausap pa niya no’n ang binata dahil magkasabwat sila nito sa sorpresa para sa anak. Tinulungan niya ito at naisip niyang magpa-late ito ng dating, nang sa gayon ay ma-tense ang anak niya at isiping baka hindi ito dumating, pero ang hindi alam nito ay bigla na lang lilitaw ang nobyo. Ngunit nagkatotoong hindi na ito nakarating at nagkatotoong binigyan niya ng sorpresa ang anak―isang masaklap na sorpresa.
...
...