Ayon Kay Ludwig Wittgenstein
Essay by mfv1 • March 31, 2013 • Essay • 1,220 Words (5 Pages) • 11,007 Views
Ayon kay Ludwig Wittgenstein, "ang hangganan ng aking wika ay ang hangganan ng aking mundo". Kung susuriing mabuti, masasabi na ito ay mayroong katotohanan kung titingnan ang nagawa, nagagawa at maaaring gawin o epekto ng wika sa mga aspetong bumabalot sa araw araw na buhay ng tao, sa pansarili o panglipunan mang lebel tulad ng edukasyon, mas midya, globalisasyon, nasyonalismo, pamahalaan at pulitika, ekonomiya, kultura at pati ang relihiyon. Sa mga akdang iniulat sa klase, mahihinuha na ang wika ay mahigpit na nakatali sa (1) pagkaroon ng sariling pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa sarili, (2) pagkaroon ng pagkakaisa at pagkakapantay-pantay at (3) pagkaroon ng pagsulong. Ang tatlong bagay na ito ay magkakaugnay na tila bawat isa ay kinakailangan ang isa upang makamit ng isang tao. Ngunit masasabing kinakailangan ang wika ang tao, bilang bahagi ng lipunan, at upang magkaroon ng karapatan at kakayahan upang makamtan ang mga nasabing ideya.
Ang pagkakaroon ng pagkakakilanlan ay makakamit ng isang tao, etnos o bansa kung alam niya ang kanyang katayuan sa buhay, kanyang pinanggalingan at paroroonan, mga kakayahan na maaari pa niyang malinang at mga limitasyong maaari pa niyang lagpasan, kung mayroon siyang sariling pag-iisip at ideyolohiya at hindi lamang umaasa sa kaisipan ng mga tao sa labas. Ang pagkakaroon ng pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa sarili ay mariing nakaugnay sa kasaysayan, pagkakaroon ng nagsasariling pamahalaan kasama ang Saligang Batas nito, mga mamamayan na may damdaming makabayan at higit sa lahat, ang pagkakaroon ng maipagmamalaking kultura at nag-iisang pambansang wika. Halimbawa, ang mga binabae na hindi gaanong natatanggap ng isang patriyarkal na bansa tulad dito sa Pilipinas ay gumagawa ng sariling wika upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan at magkaroon ng pagpapahalaga sa sarili ang mga ito.
Isa pang halimbawa, bago dumating ang mga mananakop, mayroon nang sariling wika, ang alibata, na ginagamit ng mga ninuno ng mga Pilipino. Nagkaroon ng isang yunik na kultura ang mga mamamayan dahil dito. Nagkaroon ng organisasyon sa loob ng pamayanan, nagtatag ng pamahalaan at gumagawa ng batas na naipapakalat ng umalokohan. Dahil sa iisang wika na ipinalinang sa mga mamamayan gamit ang edukasyon kahit sa kanya-kanyang pamamahay lang, naiintindihan agad ng isang tao ang nasabing batas. Sa pagdating ng mga mananakop, nagkaroon ng isang kaguluhan sa identidad, kung ano nga ba ang maging isang Pilipino. Dahil sa kaibang wika na kanilang ginamit, na sa piling tao lang itinuro, nagkagulo sa pamahalaan at hindi na maintindihan ng mga mamamayan ang nangyayari na tila sila ay pinigilang makahabol sa intelktuwal na aspeto ng dahil sa kawalan ng kugnisyon para sa wikang ginagamit ng mga dayuhang ito. Dahil dito, mas madali tayong nasakop at tumagal ito ng tatlong daang taon.
Naipakita sa halimbawa ang kahalagahan ng wika upang magkaroon ng hindi lamang ng pagkakakilanlan, kundi isang epektibong pakikisalamuha ng mga tao para sa ikauunlad ng kanilang pamayanan. Ng may panibagong wika na isinaksak sa isipan ng mga Pilipino, may mga umangal sa pagkatuto nito ngunit mas marami ang ginustong matuto. Maaaring dahil ginusto ng mga taong ito na magkaroon ng kapit sa mga Kastila, magkaroon ng mas mataas na katayuan o maaaring para lamang maintindihan ang mga sermon ng prayle. Ngunit dahil dito, nawalan na ng sinkronisasyon ang mga tao.
Tulad nga ng nabanggit, mayroong naghangad ng kapit sa mga Kastila at ninais nilang itaas pa ang kanilang katayuan sa buhay gamit ang wikang hindi naman kanila. Dahil dito, nagkaroon ng di pagkakapantay-pantay at kawalan ng pagkakaisa. Ang pagkakaisa at pagkakapantay-pantay ay isang bagay na hindi maaaring makamit kung yaman ang pag-uusapan ngunit maaari itong makita sa ibang aspeto. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga bagay bagay na kailangan upang makausad sa buhay at upang maging mulat sa mga nangyayari sa lipunang ginagalawan ng isang tao. At karapatan
...
...